Skip to main content

Zero Casualty

Ipinapaalam po sa mga minamahal nating kababayan na wala po tayong naitalang casualty o “zero casualty” sa mga binahang barangay.

Sa kabila po nito, ang Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Ragay sa pamumuno ng inyong lingkod, Mayor Thaddy A. Ramos, ay patuloy na nagsusumikap upang makapagbigay ng tulong sa mga lubos na apektado sa abot ng makakaya at siguruhing ligtas ang bawat isa.

Ipaabot po natin ang magandang balitang ito sa mga mahal natin sa buhay na nasa malalayong lugar upang kahit papano ay maibsan ang kanilang pag-aala.

Sa pagdadamayan, malasakit at pagtutulungan ng bawat isa, tayo ay muling babangon.

Official Website of the Municipality of Ragay