Skip to main content

Pagdiriwang ng ika-125 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas

Ang buong Lokal na Pamahalaan ng Gobyerno sa Bayan ng Ragay sa pamumuno ni Mayor Thaddeus A. Ramos, ay nakikiisa sa sambayanang Pilipino sa pagdiriwang ng ika-125 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas. Mula sa ating mga bayani na nagsigasig na makamtan ang kalayaan ng ating bansa, kami ay sumasaludo sa ilang salinlahing Pilipino na nagtaguyod ng ating mayaman na kasaysayan.
Ang deklarasyon ng kalayaan ay isa sa pinakamahalagang pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang bansa ay kolonisado ng maraming bansa sa loob ng daan-daang taon. Isipin na makamit mo ang iyong kalayaan pagkatapos ng lahat ng paghihirap na iyong pinagdaanan. Ito ay hindi mabibili ng salapi.
Sa paglipas ng panahon, pinapatunayan natin na ang ating kasarinlan ay susi ng ating pagkakabuklod-buklod, sa anumang hamon o sakuna. Nawa’y maging tanda ang araw na ito upang magpunyagi pa tayo sa pagkamit ng pagkakaisa at pagtutulungan ng sambayanan tungo sa magandang bukas. Sa isip, sa salita, at sa gawa, itaguyod at ipagpatuloy natin ang pagbabayanihan tungo sa malaya at ligtas na bansang Pilipinas.
Mabuhay ang sambayanang Pilipino!

Official Website of the Municipality of Ragay