
21st Development Policy Research Month
Ang Lokal na Pamahalaan ng Ragay ay nakikiisa sa pagdiriwang ng 21st Development Policy Research Month na may Tema na “Maging Makakalikasan at Digital para sa Higit na Matatag, Inklusibo, at Masaganang Kinabukasan Para sa Lahat”.
Ang buwan ng Setyembre ay idineklara bilang Development Policy Research Month (DPRM) alinsunod sa Malacañang Proclamation 247 noong ika-2 ng Setyembre, taong 2002, na naglalayon na maibahagi sa buong bansa ang kahalagahan ng pagsasaliksik na naaayon sa mga batas upang makabuo ng mga plano, programa at batas para sa pag-unlad.